Showing posts with label Sam Calleja. Show all posts
Showing posts with label Sam Calleja. Show all posts

Monday, May 3, 2010

Parang Friendster lang o!

Nakakamiss yung mga testimonial sa Friendster! Ito ang ilan sa mga greetings, mula sa mga pasaway naming kaibigan.

TONI:

Aba.. akalain mo, ilang taon na pala ang nakalipas ever since that fated night sa luma naming bahay sa teacher's village, na ngayon ay nirerenovate na at pinatatayuan na ng townhouse.. pero antatag nyo ha. Dinaig nyo pa bahay namin! Hahaha.. pero seriously, I am so thankful to be a part of your love story.. biro mo pinag-arte mo nyo pa ko mga hinayupak kayo! Hahaha, joke lang! Kidding aside, Ali and Sam, I wish you more crazy years to come.. through it all, I know you guys could make it through.. basta don’t forget me when you guys tie the knot ha? Hehe.. and Ali, I’ll show you how bridal showers rock! Hahaha.. Miss you guys and I hope to see you again soon! Congrats ulet! :D


ARMI:

5 years na pala yun? Ang tanda na natin, ay NYO lang pala. Hahaha. Happy 5th Anniversary Sam and Alina! Continue the LOVIN. and spread more LOVE. Sam, painom ka naman!


RORY:

happy anniversary uncle and auntie sam! :') it's been how many years na! antagal niyo na! parang kailan lang nung iniistylan pa ni alinakyut ang poging si sam aheeee haha ;p anyways stay strong. alam kong kahit anu pa ang pagdaanan niyo, kayo pa rin hanggang sa dulo. :) happy happy! cheers! -kahel




Sunday, May 2, 2010

Oo, Kami Na, Kami Pa Din, Sus, Kami Pa!

Five years na kayo?!!!

Five years na pala ang nakalipas!

Maski kami nagugulat. Para kasing kahapon lang, pinakilala kami sa canteen ng College of Masscom. Parang kahapon lang, nagka-cras sa isa't-isa, tapos tinukso kami ng mga orgmates namin. Tapos kinabukasan, tinanong ko siya kung mayroon siyang DVD ng "Eternal Sunshine of the Spotless Mind", maski napanood ko na.

Araw-araw, kasi parang bago, eh. First date, first kiss. Bagong asaran, bagong away, bagong bati, bagong gising, bagong shave. Alam ko malabo na 'tong sinasabi ko, pero gets mo na yun.

Marami kaming pinagdaanan sa limang taong nakalipas. Madami kaming natutunan sa isa't-isa at hanggang ngayon ay natututo pa. Marami ding challenges na dumating, may mga pinagawayan, mga taong nagsubok na sumira sa amin, pero hindi kami natinag. At sigurado akong walang malaking bagyo na hindi namin kakayanin.

Para sa aming 5th year anniv, we decided to put up this blog. Wala lang, pang-tago lang ng memories at mga litrato, na pihadong hindi na mao-ondoy.

Nagumpisa sa "Kami na", hanggang sa "Kami pa din." Ngayon, lami na talaga. Kami pa din after everything. At kahit ano pang problema ang dumating, sus! Chicken feet! KAMI PA!